PANGANAY NGA BA SI CAIN AT BUNSO SI ABEL?

Ang isa sa aral ng INC na una kong narinig sa TV running debate noon ng INC at MCGI e ang pagsasabing panganay si cain at bunso si abel. Hanggang ngayon pinaninindigan nila na ganon–na parang siguradong sigurado sila. Ganon daw ang pinatnunubayan at guided ng holy spirit–hinde nagkakamali sa aral samantalang binabatikos nila si bro eli dahil nakakakitaan nila ito ng pagkakamali.

So totoo bang hinde nagkakamali sa aral ang INC–kumbaga, perpekto sila kaya hinde nagkakamali?

Pabulaanan ko po. Sabi nila, panganay si cain at bunso si abel meaning, ipinapahiwatig nila na sa panahong yun e dalawa lang silang magkapatid.

Pero kung papansinin sa kasulatan, walang sinabing panganay o unang ipinanganak–so totoo kayang panganay talaga si cain? Basa.

Genesis 4:1-2
[1]And Adam knew Eve his wife; and she conceived, and bare Cain, and said, I have gotten a man from the LORD.
[2]And she again bare his brother Abel. And Abel was a keeper of sheep, but Cain was a tiller of the ground.

Saan jan mababasa na panganay o unang ipinanganak–wala di po ba? Ang mababasa e si cain ang unang binanggit na anak–pero ibig bang sabihin ng unang binanggit e panganay na? Paano nyo patutunayan?

Halimbawa:

Si Pedro ay may tatlong anak in biological order: a) Juan b) Jose c) Santiago. Nagsulat si Pedro ng ganito:

“Ikinasal kami ni misis. Ipinanganak niya si Jose. Siya ang paborito kong anak…”

Ibig bang sabihin dahil unang binanggit si Jose e siya na ang panganay? Hinde po dahil in reality si juan ang panganay pero sa flow ng narrative o sulat ni pedro e si Jose ang focus of the story kaya siya unang binanggit pero it doesnt mean siya ang panganay.

Ganon din kay cain. Sila ni Abel ang focus of the story kaya sila ang unang binabanggit pero it doesnt mean–wala na silang ibang mga kapatid. In short, it doesnt mean panganay at bunso sila, di po ba?

So bunso po ba si Abel? Opo daw dahil ang sumunod na anak e si Seth, which means bunso daw. Lets read:

Genesis 4:25
[25]And Adam knew his wife again; and she bare a son, and called his name Seth: For God, said she, hath appointed me another seed instead of Abel, whom Cain slew.

Note po, walang sinabing ang sumunod kay Abel e si Seth. Ang sabi, si seth e pamalit kay abel. Pero it doesnt mean bunso si abel dahil paano kung merong naunang mga babaeng kapatid niya bago si seth, pero bilang lalake e siya pamalit kay abel? Hinde ba pwedeng ganon?

Pero sasabihin nila,

“And Adam knew his wife again…”

Ibig bang sabihin, ngayon lang kay seth uli nagtalik pagkatapos isilang si abel at lumaki–o nagtatalik na sila dati pa at nanganganak ng marami kaya sinabing “knew his wife again”?

Pwede po. Maraming maiisip na posibility para sa scenario dahil wala kasing certainty na mababasa tungkol sa panganay at bunso, instead, ang nababanggit dito e mga focus of the story–so clearly, masasabi nating posibleng panganay si cain at bunso si abel pero as a possibility, walang certainty dahil posible rin na hinde panganay si cain at hinde bunso si abel.

Saan mababasang bunso? Saan mababasang si seth sumunod kay abel? Kung hinde sinabing sumunod paano nyo nalamang ganon? Baka po in reality e hinde lang sinabi yung ibang mga kapatid, di ba? Wala namang sinabi kasing bunso. Maaaring me kapatid na iba. Possibility po yon.

Wala sa narrative na merong sumunod kay abel bago si seth pero sa narrative lang pero paano kung in reality e meron talaga. Paano nyo nasabing wala?

Logically–ang concept na dalawa lang silang anak sa pagkakataong nasusulat e imposible dahil noong pinatay ni cain si abel e nagiisa si cain na natitirang anak–so paano dadami ang lahi ng tao? Kung nagiisa si cain na natitirang anak–paanong nagkaasawa siya sa ibang lugar e sila yung kaunaunahang mga tao?

Basa.

Genesis 4:13-17
[13]And Cain said unto the LORD, My punishment is greater than I can bear.
[14]Behold, thou hast driven me out this day from the face of the earth; and from thy face shall I be hid; and I shall be a fugitive and a vagabond in the earth; and it shall come to pass, that every one that findeth me shall slay me.
[15]And the LORD said unto him, Therefore whosoever slayeth Cain, vengeance shall be taken on him sevenfold. And the LORD set a mark upon Cain, lest any finding him should kill him.
[16]And Cain went out from the presence of the LORD, and dwelt in the land of Nod, on the east of Eden.
[17]And Cain knew his wife; and she conceived, and bare Enoch: and he builded a city, and called the name of the city, after the name of his son, Enoch.

At sinong papatay sa kanya e tatatlo lang silang tao sa mundo?

“Therefore whosoever slayeth Cain, vengeance shall be taken on him sevenfold. And the LORD set a mark upon Cain, lest any finding him should kill him…”

Clearly–para me papatay sa kanya at me napangasawa siya means marami ng tao sa mga panahong yon so hinde sila dalawang anak lang. It implies marami ng anak sina adam and eve sa panahon yun nina cain at abel. Una, walang sinabing panganay at bunso–so possibility-wise, me iba silang mga kapatid. Pangalawa, marami ng tao noon dahil kung hinde sino papatay kay cain at sino napangasawa niya, di ba?

So anong punto?

Mali ang INC sa aral nilang panganay at bunso–meaning, reflection ito sa kung ano talaga nature ng INC relative sa katotohanan. Marupok at mahina–at hinde talaga perpekto o infallible.

So INC, ayon sa paniniwala nyong hinde nagkakamali sa aral ang guided ng holy spirit–e masasabi bang guided talaga kayo ng holy spirit?

Hinde po, di ba?

Pero maaari pong sabihin nila–yung papatay kay cain at yung napangasawa niya e sa panahong marami ng tao through Seth at ibang anak ni adam.

Yes, that is logical–the thing is, walang sinasabing panganay o bunso, so what guarantee na panganay nga si cain at bunso si abel?

Wala po–bec the scenario is just emphasizing sa focus of the narrative at walang klarong panganay o bunso therefore, other scenario are possible. So on this point, panganay si cain at bunso si abel–is merely hypothetical so bakit nyo sinisigurado?

Nanghuhula po kayo.

Ganon ba guided ng holy spirit ayon sa aral nyo? Nanghuhula kayo so maaaring tama o maaaring mali kayo. Guided ba ang ganon?

Hinde, di ba?

One Reply to “”

Leave a comment