TAMA BA ANG KAISAHAN SA PAGBOTO NG INC?

Tuwing halalan nageendorso ang INC ng mga kandidato na kanilang ibinoboto. Bloc voting ika. Pero ang tanong:

Is this biblical?

Eto batayan nila:

Psalms 133:1
[1](A Song of degrees of David.) Behold, how good and how pleasant it is for brethren to dwell together in unity!

Mabuti talaga na nagkakaisa ang iglesia, pero sa anong aspeto?

Personal, general or doctrinal?

Eto daw yon:

1 Corinthians 1:10
[10]Now I beseech you, brethren, by the name of our Lord Jesus Christ, that ye all speak the same thing, and that there be no divisions among you; but that ye be perfectly joined together in the same mind and in the same judgment.

Nagkakaisa daw sila sa isip at paghatol. Pero sa anong aspeto ng pagiisip at paghatol?

Personal, general or doctrinal?

Saan mababasa kung anong pagiisip yon na nagkakaisa sila?

Pagiisip kung ano design ng kapilya, o anong design ng damit kung barong o hinde, o anong ilulutong ulam tuwing umaga o pagiisip kung anong brand ng panty ang gagamitin?

Ano namang paghatol?

Paghatol kung anong oras gigising sa umaga, o anong design ng kapilya o anong design ng damit o anong brand ng panty?

Ganon ba?

Maaaring sabihin niyo hinde naman utos ng dios yang sinasabi mo, o e utos din ba na magkaisa sa pagboto?

Saan mababasa?

Ang utos e yung pagpapasakop sa batas ng tao at isa dito e yung karapatang bumoto pero yung ienforce mo ang kaisahan sa pagboto at yung hinde susunod e ititiwalag e saan sinabi ng dios na dapat ganon yon?

Wala po. Inimbento nyo. Dahil binigyan nyo ng sariling kapaliwanagan yung kaisahan sa pagiisip at paghatol na ito ay tumutukoy sa personal decision ng Iglesia. Mali po. Ito ay tumutukoy sa pagkakaisa sa pagtupad sa doktrina.

Basa.

Philippians 1:27
[27]Only let your behaviour be as it becometh the gospel of Christ: that whether I come and see you, or else be absent, I may hear of your affairs, that ye stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel;

Ano daw dapat ang maging katangian ng isang kristyano patungkol sa pagaasal?

…Only let your behaviour be as it becometh the gospel of Christ…

Ang asal natin ay dapat maging ebanghelyo. Meaning, lahat ng ginagawa natin e dapat ebanghelyo, lahat batay sa ebanghelyo. Ito ang pinagkakaisahan: ang ebanghelyo. Basa.

…that ye stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel…

Ano ang one mind, one spirit? Logically kasama dito ang paghatol. Tungkol saan itong paghatol?

…striving together for the faith of the gospel…

Iyon pala e, ang magkakasama o magkakaisa sa pagganap ng pananamanpalataya sa ebanghelyo.

…striving together…

Magkakakasama, magkakaisang gumaganap. Tungkol saan?

…for the faith of the gospel…

Yan po paliwanag ng dios tungkol sa kaisahan sa pagiisip at paghatol. Tungkol po pala ito sa pagganap ng pananamanpalataya sa ebanghelyo so dapat me batayan ang paghatol at dapat hinde man-made or personal decision o imbento.

Halimbawa, sinabi ng ebanghelyo dapat magsuot ng mahinhing damit, so yan yung pagkakaisahan na paghatol, dapat lahat e mahinhing manamit…

Hinde po tayo magiimbento ng pagkakaisahan kundi magkaisa tayo sa pagtupad kung anong nakasulat.

Halimbawa, sabi ng ebanghelyo:

…to the pagans i become as a pagan to convince the pagans but under the law of christ…

Meaning, we can adopt the lifestyles of pagans na hinde kokontra kay kristo. So pwedeng magbirthday party, mother’s day celebration, watching TV etc… itoy mga gawain ng mga pagans so pwede rin nating isabuhay ito bilang pagtupad sa ebanghelyo. Dito tayo pwedeng magkaisa…

Hinde yung, magiimbento kayo ng wala sa ebanghelyo at yon ang pagkakaisahan ninyo. Iyon po ang walang batayan sa bible.

So ang tanong ko e ito:

Saan mababasa na ang kaisahan sa paghatol e sa pamamagitan ng personal decision ng mga namamahala halimbawa e sa pagboto?

Sarili nyo po kasing unawa yung ginamit nyo sa sinasabi ng bible na same mind same judgment. Pinapatungkol nyo ito sa kaisahang inimbento nyo. So kung gagamitin natin yung mindset nyo po:

Bakit hinde kayo nagkakaisa sa pagpili ng brand ng panty e paghatol din yon? O di kaya, nagkakaisa sa pagiisip kung ano design ng kapilya, o design ng damit na isusuot….etc. Hinde kasi yan yong pagkakaisang sinasabi dahil pawang imbento yan tulad ng pagboto. Ito ang tunay na kaisahan sa paghatol:

…that ye stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel…

So nong sabihin ang kaisahan sa paghatol, ito po bay:

By personal decision, in general aspect or doctrinal?

Bakit kayo nagimbento ng pakahulugan ng kaisahan sa paghatol?

One Reply to “”

Leave a comment